RATED R
ni Rommel Gonzales
BAGONG single ng female singer na si Caren Tevanny ang Deliverance at under na siya ng bagong record label na Handpicked.
Dating member ng bandang General Luna si Caren bilang gitarista at nakasama niya sa banda ang singer na lead female star (at FAMAS Best Actress nominee) sa pelikulang Katips na si Nicole Laurel Asensio.
“Kami po ‘yung original. Siya actually ‘yung kumuha sa akin to be in the band.
“Matagal na akong nasa music but then ‘yung career ko nagkaroon ng sabihin nating traction noong kinuha kami ng Warner, binuo kami, General Luna na nandoon din si Nicole.
“After five years pareho kami ni Nicole parang puwede nating sabihin, siyempre dumarating ‘yung time na gusto na naming gawin ‘yung gusto talaga namin sa music. So, we decided to do our own and hindi na kaya pa na ma-sustain ang General Luna. Nag-decide kami to end in a nice way naman.”
Nasa General Luna si Nicole hanggang 2015 at si Caren ay nanatili sa banda hanggang 2017.
“But then we decided it’s not General Luna anymore without the original members.”
Magkaibigan pa rin sila ni Nicole hanggang ngayon.
“Yeah, sobra! We’re together in everything right now.”
Nanood din siya ng Katips.
At sa tanong kung tulad ni Nicole ay papasukin din niya ang pag-aartista, “Siguro kung puwede akong umarte, mahiyain akong umarte,” at tumawa si Caren. “Pero kung may opportunity, puwede.
“Siguro the farthest na nagawa ko is commercial pero teleserye nakapag-ekstra na noong bata, siyempre noong bata ka tina-try mo lahat so mga paekstra-ekstra, pero ‘yung katulad ng kay Nicole hindi ko pa nagawa kasi siya talaga theater actress eversince.”
Tungkol saan ang Deliverance?
“‘Deliverance’ is actually about an experience and I think it’s an experience of everyone na maraming nagsasabi na hindi mo siya kaya on your own or hindi mo siya kaya in general, ‘yung mga bagay na akala natin hindi kayang gawin.
“And not just other people telling us but sometimes kahit ‘yung sarili natin sometimes we lose faith in ourselves so basically it’s a song of trying to inspire and let yourself remind, be reminded that if you put effort to it there’s gonna be something at the end of everything.”
Available na sa iTunes, Spotify at iba pang digital platforms worldwide ang Deliverance.