INAPROBAHAN ng House Committee on Natural Resources sa pamumuno ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, Jr., ang dalawang panukalang ipagbawal ang pagmimina at pagputol ng kahoy sa Lungsod ng Cagayan de Oro.
Ayon kay Rep. Rufus Rodriguez ng pangalawang distrito ng Cagayan ang panukalang House Bill 966 at House Bill 967 ay aprobado na ng Kamara, sa huli at pangatlong pagbasa, na noong mga nakaraang Kongreso ay hindi inaksiyonan ng Senado.
Ayon kay Rodriguez natabunan ng alikabok ang panukalang inisnab ng Senado sa nakaraang 15 taon.
Ani Rodriguez, “unang inihain ang mga panukala noong “14th Congress, refiled noong 15th, 16th, 17th, hanggang 18th congresses.”
“Unfortunately, the senators had inexplicably failed to act on the environment-friendly bills,” aniya.
“We will not tire of filing and re-filing these bills because these will save precious lives, property and the environment. A single life or piece of property saved will be more than worth the effort,” ayon kay Rodriguez.
Ani Rodriguez, hindi na kailangang ipaalaala sa mga senador na marami ang namatay at napinsalang nga ariarian nang bumaha sanhi ng bagyong Sendong noong Disyembre 2011.
Anang kongresista, mahigit 1,400 ang namatay noong Sendong.
“Sendong brought about the worst destruction in the history of Cagayan de Oro. The destructive flooding was blamed on unabated logging and mining operations in the city and neighboring areas,” giit niya.
Ikinagalak ni Rodriguez ang pag-aprub sa komite ni Barzaga sa mga unang araw ng pagbubukas ng Kongreso.
“We hope that this time, senators will see the omnipresent danger from logging and mining our people in Cagayan de Oro face every day of their lives. We pray that our good senators will finally act on our bills,” ani Rodriguez. (GERRY BALDO)