ni Ed de Leon
POGI naman at sinasabing game rin ang isang baguhang male starlet na ilusyon ng maraming bading. Pero mukhang wala namang bading na nakatatagal sa kanya, maski na ang isang director at isang politician.
“Aba, ang akala niya sa iyo ay ATM machine, at kahit na walang services gusto mag-withdraw,” sabi pa ni direk.
Kaya pala pati ang gay politician at ang isang Japanese businessman na na-involve sa kanya ay hindi rin tumagal. Pero nananatili pa rin siyang ilusyon ng maraming bading.