Wednesday , May 14 2025
Antipolo Rizal PNP police

2 patay, 1 kritikal, sa shabu masaker

ILEGAL NA DROGA ang sinisilip na dahilan sa insidente ng karahasan na nagresulta sa kamatayan ng dalawa katao, habang isa ang kritikal at isa ang sugatan, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Lunes ng gabi, 22 Agosto.

Sa ulat ng Antipolo CPS kay PRO4A PNP Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., kinilala ang mga napaslang na sina John Albert Padasay at Francis Labutan, kapwa may tama ng bala ng baril sa ulo at duguang natagpuan ng mga awtoridad sa loob ng isang bakanteng paupahang bahay sa Lantion Compound, Road 28, Brgy.  Bagong Nayon, sa lungsod.

Samantala, sugatan ang biktimang kinilalang si Evangeline de Jesus, tinamaan ng ligaw na bala habang hinahabol at binabaril ng hindi kilalang suspek ang ikatlong biktima na tinamaan din sa ulo at nasa kritikal na kondisyon sa Antipolo District Hospital.

Ayon sa pulisya, 1:20 am nitong Martes, 23 Agosto, nang makatanggap sila ng tawag na dakong 11:30 pm kamakalawa nang pinagbabaril ng suspek ang tatlong biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dati nang naaresto sa buy bust operation ang napatay na si Padasay, at bukod sa nagkalat na drug paraphernalia sa loob ng bahay, sinabi ng ilang kapitbahay sa mga pulis na ginagawang puwestohan ng pot session ang lugar.

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya at kinakalap ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …