Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessy Mendiola Luis Manzano

Jessy ramdam tuwing umaga paggalaw ng anak sa tiyan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA video na in-upload ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano sa kanilang YouTube vlog, ikinuwento ng aktres ang naging journey niya nang malamang buntis siya.

Kuwento ni Jessy, ”Nararamdaman ko siya morning pa lang, may laman na ‘yung tummy ko.”

Kaya agad na tinawagan ni Jessy ang asawang si Luis para bumili ng pregnancy test.

“That afternoon noong nag-test ako, roon na namin nakita na positive,” pagpapatuloy ni Jessy.

Sa pangalawang try nila ng pregnancy kit ay naging malinaw na ang linya at doon nila nakompirma na talagang finally ay preggy na nga si Jessy.

Isa pa sa mga rebelasyon nila, hindi nila agad sinabi sa kanilang mga pamilya ang pagbubuntis ni Jessy pero isa sa mga unang nakaalam ay ang mommy ni Luis na si Vilma Santos.

Sunod na sinabihan nila ay ang mommy naman ni Jessy at dahil excited ito ay naibalita na niya ito sa lahat ng kanilang kamag-anak.

Nang sabihin naman nila ito sa ama ni Luis na si Edu Manzano ay labis din ang saya nito ay may pa-bouquet of roses pa na ibinigay kay Jessy.

Sa ngayon ay nasa ika-2nd trimester na ang pagbubuntis ni Jessy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …