Monday , January 13 2025

Eksekusyon at paggasta itama – solon
GOV’T FUNDS KUNG HINDI ‘NAKAPARADA’ WINAWALDAS 

082322 Hataw Frontpage

HINIMOK ni Batangas Rep. Ralph G. Recto ang pamahalaang Marcos na ayusin ang problema ng paggastos ng pera ng bayan ng bawat ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Recto, kailangang gamitin ng pamahalaan ang budget upang mapabilis ang serbisyo.

“When it comes to public spending, the problem is not in budget authorization, or when Congress approves the budget, but in budget execution, when agencies spend the budget given to them,” ani Recto.

“The budget is supposed to be spent for the right purpose, at the right time, by the right agency, for the right price.”

Kahapon tinangap ni House Speaker Martin G. Romualdez mula sa Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang budget o ang National Expenditure Program (NEP) para sa sunod na taon na nagkakahalagang P5.268-trillion national budget.

Ani Romualdez, ang panukalang ito ay para sa economic recovery sa unang taon ng pamamahala ni pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ngunit, ani Recto, lumalabas sa taunang ulat ng Commission on Audit (COA) na laganap ang problema sa paggastos ng pondong inilaan sa bawat ahensiya ng pamahalaan.

Ang pagkaantala ng nga proyekto na pinondohan ng buwis na nanggaling sa taongbayan ay isang inhustisya.

“Pero kung ang pondo para sa ospital ay hindi nagagasta, kung ang college scholarships ay hindi napapakinabangan, kung ilang taon ang aabutin bago mabili ang kagamitan ng pulis, kung nasasayang ang bakuna, kung nakatengga ang isang ginagawang kalsada – ito ay mga patunay na malaki pa ang mga problema sa paggugol ng budget,” ayon kay Recto.

Ani Recto, kailangan maglabas ng batas na gawing ilegal ang tinatawag na “parking of funds” partikular sa Department of Budget and Management – Procurement Service at sa Philippine International Trading Corporation .

“Ang nangyayari kasi, ang manok na dapat lutuin agad para maihain sa bayan ay mina-marinate muna ng ilang taon sa mga ahensiyang iyan,” ayon sa kongresista ng Batangas.

Ani Recto, kung ang pakay ng budget ay para sa recovery sa pandemya, ang tagumpay nito ay depende kung gaano kabilis gastusin ng mga ahensiya ang budget na nakalaan sa sa programa nila.

Nagbabala si Recto na huwag sanang maulit ang nangyari noong isang taon na P784.8 bilyon ang hindi nagastos at P88.8 bilyon ang hindi naipamahagi ng DBM.

Para kay Romualdez ang NEP ay parang “booster shot”na bubuhay sa ekonomiya.

“We welcome the submission of the proposed 2023 national budget that will provide the broad strokes needed to speed up our economic recovery,” ani Romualdez .

“The House of the People will effectively respond to the needs of the people, and we will do our best to address the continued impact of the health crisis, create more jobs and ensure food security,” anang Speaker.

“We will make sure that every centavo will be spent wisely to implement programs that would save lives, protect communities and make our economy strong and more agile in partnership with the Senate and Malacañang, the House leadership will continue the Build, Build, Build program and create more jobs,” aniya. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

SM AweSM Cebu FEAT

Celebrate Sinulog at SM with AweSM Festivities!

Get ready for an unforgettable Sinulog celebration at SM! Join the vibrant festivities at SM …

Arrest Shabu

Bigtime lady drug supplier tiklo sa P6-M shabu ng QCPD

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD)  Batasan Police Station 6 ang kilalang bigtime lady …

Traslacion Nazareno

Pagkagaling sa Traslacion  
10 miyembro ng DOH medical team sugatan sa bangga ng dump truck

SAMPUNG miyembro ng Department of Health medical team ang isinugod sa ospital nang mabangga ng …

011025 Hataw Frontpage

Pinakamatagal mula 2020
8-M DEBOTO LUMAHOK, HALOS 21 ORAS ITINAGAL NG TRASLACION 2025

HATAW News Team NAITALA ngayong taon ang pinakamatagal at pinakamahabang prusisyon bilang pagdiriwang ng Pista …

Sarah Discaya

Karanasan, nag-udyok sa amin para magserbisyo sa Pasigueños — Sarah Discaya

MAHIRAP na karanasan ang nag-udyok sa aming pamilya upang tumulong at makapagserbisyo  sa mga Pasigueño …