Friday , November 15 2024
Dead body, feet

Palutang-lutang sa ilog
NAWAWALANG ESTUDYANTE NATAGPUANG PATAY

NATAGPUANG palutang-lutang sa ilog nitong Sabado ng umaga, 20 Agosto, ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng naiulat na ilang araw nang pinaghahanap sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang biktimang si Juliana Marie Billones, 21 anyos, first year college student, at residente sa Brgy. Nagbalon, sa nabanggit na bayan.

Sa tala ng Marilao MPS, iniulat sa kanila na umalis sa kanilang bahay si Juliana Marie noong Huwebes, 18 Agosto, ngunit hindi na nakauwi kaya nag-report ang kanyang ina sa estasyon ng pulisya.

Ayon sa ina ng biktima, gabi ng Agosto 18 nang magkaroon sila ng pagtatalo ng anak at bigla na lamang umalis ng bahay si Juliana Marie at hindi na umuwi.

Nakita sa kuha ng CCTV ang pagtakbo ng biktima palabas mula sa kanilang bahay nang nakayapak lamang.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Marilao MPS upang matukoy ang dahilan ng kamatayan ng biktima. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …