Monday , December 23 2024
arrest, posas, fingerprints

Carnapper, drug dealer, kinalawit ng Bulacan Police

MAGKASUNOD na dinakip sa inilatag na anti-crime drive ng pulisya ang isang lalaking hinihinalang carnapper at isang pinaniniwalaang drug dealer sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 20 Agosto.

Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si John Lagrimas, 26 anyos, arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa ikinasang follow-up operation ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS sa Towerville, Brgy. Minuyan, sa naturang lungsod.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang kitchen knife at isang improvised handgun (pen gun) na may kargang dalawang bala.

Kasunod nito, nasukol din sa ikinasang drug bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Rafael MPS ang suspek na kinilalang si Jaypee Santos, alyas Jhe sa Brgy. Tambubong, San Rafael.

Nakompiska ang apat na pakete ng hinihinalang shabu at marked money mula sa suspek na kasalukuyang nakakulong sa San Rafael MPS Jail at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Ayon kay Cabradilla, ang Bulacan police ay hindi nagpapabaya sa masigasig nitong kampanya laban sa mga kriminal at ipiit sila sa likod ng rehas na bakal bilang pagtalima sa kautusan ng Regional Director ng PRO3 na si P/BGen. Cesar Pasiwen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …