Friday , November 15 2024
arrest, posas, fingerprints

3 MWPs timbog sa Valenzuela at Antipolo

TATLONG most wanted persons (MWPs) sa talaan ng 

pulisya ang nalambat ng mga tauhan ng Valenzuela police sa magkakahiwalay na manhunt operations sa mgalungsod ng Valenzuela at Antipolo.

Sa report ni Warrant and Subpoena Section (WSS) chief, P/Lt. Robin Santos kay Valenzuela City police chief,  P/Col. Salvador Destura, Jr., nadakip ang

44-anyos na si Reynaldo Menes ng Brgy. Maysan dakong 5:00 pm.

Si Menes ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Attempted Rape in Relation to Republic Act 7610 na inisyu noong 18 Agosto 2022 ni Judge Evangeline Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court (RTC), Branch 270, Valenzuela City.

Habang nadakip ng iba pang mga tauhan ng WSS sa isa pang manhunt operation sa People’s Park, McArthur Highway, Brgy. Karuhatan, Valenzuela City si Leo Gutierrez, 37 anyos, may nakabining kaso ng dalawang Rape at dalawang Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610.

Ani Santos, ang arrest order laban kay Gutierrez ay inisyu noong 12 Agosto 2022 ni Presiding Judge Mateo Altarejos ng Valenzuela City’s Family Court Branch 16.

Walang inirekomendang piyansa para sa kasong Rape habang P180,000 ang piyansa bawat isa para sa kasong Acts of Lasciviousness.

Samantala, nadakip ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo si Matthew Ramirez, 22 anyos, alyas Jane Santos, ng Brgy. Gen. T. De Leon dakong 2:00 pm sa manhunt operation sa Brgy. San Jose, Antipolo City.

Ayon kay P/Maj. Marissa Arellano, hepe ng SIS, si Ramirez ay wanted sa Valenzuela City sa kasong Robbery. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …