Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta

Sharon humiling ng dasal para sa kaibigan at pamangking may cancer

MA at PA
ni Rommel Placente

HUMIHINGI ng panalangin si Sharon Cuneta para sa isa niyang kaibigang na-stroke, na hindi niya binanggit ang pangalan. Bukod dito ay humiling din ang Megastar na ipagdasal siya na sana’y makayanan niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa kanya para sa mga taong mahal niya. 

Hanggang ngayon ay hindi pa siya nakaka-recover sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang kaibigang si Cherie Gil at may isa na naman siyang kaibigan  ang nas ICU dahil nga sa stroke.

Sa post si Sharon sa kanyang social media accounts ng art card na may nakalagay na “Prayer for the sick your healing prayer,”  ang caption niya rito ay, “Family and friends…after Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me…I just found out that she is in the ICU now because of a ‘silent stroke.

“Please, please pray with me for her healing…Lord kahit a few more years na lang po idagdag Niyo please sa buhay niya…Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya. Please pray.

“My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon…Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit. Please, please pray for me…More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves. (praying hands and hearts emoji),” sabi pa ni Mega.

Isa pang kahilingang panalangin ni Sharon ay para sa pamangkin niyang babae, “For my niece, “Bam,” I ask for all your prayers too…She is only 25…and I do not understand why she has cancer. She is a loving, happy, good girl whom we all love so much…Please, please be our prayer warriors and help us pray for her healing too…Maraming salamat po (praying hands and hearts emoji).”

Ipagdasal natin ang kaibigan at pamangkin ni Sharon na sana ay gumaling na sila, in Jesus name. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …