Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Muslim Cemetery

Sementeryong Islam sa bawat munisipyo inihaing panukala

IPINANUKALA ni Basilan Rep. Mujiv Hataman na magkaroon ng sementeryo ang mga munisipalidad na may malaking populasyon na sumasampalataya sa ilalm ng Islam.

“A measure mandating all cities and municipalities with considerable Muslim populations to establish their own Muslim public cemeteries has been filed in the House of Representatives.”

Ang House Bill No. 3755, o ang “Muslim Filipino Public Cemeteries Act,” ay naglalayong atasan ang lahat ng lokal na pamahalaan na magtakda ng lupa para sa libingan ng mga Muslim.

“Sa aming pananampalataya, kailangang mailibing ang pumanaw sa loob ng 24 oras. Grabeng hirap ang pinagdaraanan ng mga pamilya dahil dito, lalo na kung wala o malayo ang Muslim cemetery sa kanilang lugar. Kadalasan ay bumabiyahe pa nang malayo para lamang mailibing ang kanilang mahal sa buhay,” paliwanag ni Hataman.

               “Nagdadalamhati ka na sa pagkawala ng kaanak mo, dagdag na pabigat pa sa nararamdaman ang suliraning dulot kung saan sila ihihimlay. Nais nating baguhin ito sa ating panukala para magkaroon ng himlayan ang mga Muslim sa mga lungsod o munisipalidad kung saan sila naninirahan,” dagdag ng mambabatas.

“At inilagay din natin sa panukala na kapag indigent ang residenteng Muslim na pumanaw, libre na ang kanyang pagpapalibing.”

Sa nakalap na datos mula sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), nagsasabi na umaabot sa 12.7 milyon ang Filipino Muslims.

Naka saad sa HB 3755, lahat ng bayan at munisipalidad sa nasasakupan ng BARMM ay inaatasang magtalaga ng dalawang ektarya o higit pa para sa sementeryo ng mga Muslim.

Sa Metro Manila, kinakailangan ng 3,000 metro kuwadrado sa bawat LGU.

Sa mga siyudad at munisipalidad sa labas ng Metro Manila ang mga susunod na batayan ay kinakailangan pairalin: 5,000 square meters kung ang populasyon ng Muslim ay 1,000; 3,000 square meters kung ang Muslim population ay 500; at 2,000 square meters kung ang populasyon at 300.

“Dito lang sa Metro Manila, kung saan lagpas kalahating milyon ang mga Muslim, congested na ang Taguig Muslim Cemetery. Kaya pinupuri natin ang pagbubukas ng Muslim Cemetery and Cultural Hall sa Maynila at sa mga karatig na sementeryo tulad ng Norzagaray Muslim Cemetery sa Bulacan at Montalban Islamic Cemetery sa Rizal,” ani Hataman.

“Pero mas mainam pa rin na mayroong sementeryo sa lahat ng lungsod at munisipalidad dahil mga residente rin naman sila rito. Constituents sila ng mga serbisyo ng LGU at marapat na magkaroon sila ng lugar na paghihimlayan ng kanilang mga kaanak,” aniya. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …