I-FLEX
ni Jun Nardo
KINAYA ng bombshell na si Christine Bermas ang makipaghalikan sa co-sexy star niyang si Chole Jenna sa Vivamax movie na Lampas Langit na idinirehe ng singer-actor na si Jeffrey Hidalgo.
“Hindi po kasi ako sanay,” pahayag ni Christine sa presscon ng movie. “Eh nasa script po, ginawa ko at nag-enjoy na rin ako! Ha! Ha! Ha!” dugtong pa ni Christine.
Maging si Direk Jeffrey ay nagulat nang gawin ni Christine na makipaghalikan sa kapwa babae. “Eh maganda naman lumabas kaya natuwa ako sa kanya,” singit ng director.
Ang kasama nilang sexy star na si Milana Ikimoto ay mapangahas din sa pakikipaglampungan sa movie. Makakasama nila sa cast sina Baron Geisler at ang magaling na aktor na si Ricky Davao.
Streaming na ito ngayong Biyernes sa VivaMax.