ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IBINALITA ni Allen Dizon sa kanyang Facebook account na gagawa sila ng pelikula ng National Artist na si Nora Aunor.
Ayon sa award-winning actor, dream come true ito para sa kanya. “Contract signing for our new movie With Ate Guy our National Artist… dream come true to work with Ms Nora Aunor…maraming salamat po,” masayang lahad ni Allen.
Isang horror film ang pagsasamahan nina Nora at Allen na pinamagatang Ligalig. Pumirma na recently ang dalawa sa AQ Prime para sa nasabing proyekto.
Makakasama nila rito sina Snooky Serna, Winwyn Marquez, Devon Seron, Shido Roxas, Yana Fuentes, at iba pang contract artists ng AQ Prime. Ang pelikula ay pamamahalaan ni Topel Lee.
Kahapon ang first day shooting ng Ligalig, ayon sa manager ni Allen na si Dennis Evangelista.
Ngayon pa lang ay maraming Noranians na ang nag-aabang sa pelikulang ito. Pati mga tagasubaybay ni Allen ay excited na rin dito.
Matindi kasi ang kombinasyong Nora-Allen, na kapwa mga premyado at kinikilala, pagdating sa pag-arte.
Noong 2019, naudlot ang dapat sana ay unang pagsasama nina Allen at Ms. Nora sa pelikula, via Jesusa. Ngunit tinanggihan ito ng Superstar and eventually ay napunta ang role sa isa pang equally talented actress, si Ms. Sylvia Sanchez.