RATED R
ni Rommel Gonzales
BALIK-TELEBISYON ang Sparkle leading man na si Richard Yap sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Abot Kamay na Pangarap.
Gagampanan ni Richard ang karakter ni Robert Tanyag, isang super workaholic na doctor kaya kung minsan ay napapabayaan niya ang kanyang pamilya. Ibinahagi ni Richard sa isang interview na very exciting ang mangyayari sa kanyang role rito.
Bukod kay Richard, pasok sa cast ng Abot Kamay na Pangarap sina Carmina Villarroel bilang Lyneth, at Jillian Ward bilang Analyn. Kasama rin sa star-studded cast sina Dominic Ochoa, Andre Paras, Pinky Amador, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta at marami pang iba.
Ano nga kaya ang magiging koneksiyon ng karakter ni Richard sa buhay ng mag-inang sina Lyneth at Analyn?
Tutukan ‘yan sa Abot Kamay Na Pangarap, this September na sa GMA-7