Saturday , May 3 2025

Mr. Fast and Furious

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

HINIKAYAT ng Land Transportation Office (LTO) ang mga pamahalaang lokal sa Metro Manila na pansamantalang suspendehin ang pagpapatupad ng kanilang no-contact apprehension program/policy (NCAP), dahil sa dagsang reklamo ng mga motorista.

Pakiramdam ng mga motorista ay dinadaya sila ng mga automated signal lights na nagpapalit-palit base sa rami ng sasakyan, nag-iiba nang walang countdown, at mayroong tatlong segundo lang para sa yellow warning.

Dahil dito, natural lang na maraming sasakyang tumutumbok sa mga intersections na ito ang maaaktohan ng camera sa paglabag sa red signal sa ilalim ng NCAP.

Para naman sa akin, legal itong pagnanakaw.

*              *              *

Dahil local government units (LGUs) ang awtomatikong makikinabang sa naglalakihang penalties, madaling maunawaan kung bakit ayaw ng ilang city mayors na suspendehin ang NCAP kahit pa iniutos ito ng LTO.

Nakaaaliw lang na ang LTO ang napupuruhan sa pakikipagirian para sa karapatan ng mga motorista laban sa mga itinuturing na legal na pang-aabuso. Pero ito rin, sa palagay ko, ang dahilan kung bakit ayaw magpatinag ng ilang LGUs.

Ano nga ‘yung kasabihan? Ang magnanakaw, galit sa…

*              *              *

Sa pamamagitan ng kanyang House Bill No. 108, kumilos si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr., upang isa na namang Marcos-era project – ang Bataan Nuclear Power Plant – ang kanyang buhayin. Aniya, sa tulong ng nuclear energy ay magiging mas mura na ang singil sa koryente.

Kompiyansa na rin lang siya sa kaligtasan nito, gusto ko sanang makita siyang nag-oopisina sa nuke plant.

*              *              *

Sinita ng Commission on Audit ang Philippine National Police (PNP) sa kabiguang ideklara ang pagkakatanggap nito ng 207 sasakyang donasyon sa pulisya. Ayon sa state auditors, blanko ang mga libro ng PNP kaugnay ng naturang donasyon.

Pero ang sigurado rito, hindi blanko ang mga bala ng COA.

*              *              *

Bugso ng matinding galit, sinabihan ni Senate President Miguel Zubiri ang mga hindi pinangalanang opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na magbitiw na sa tungkulin, nagbabalang magsasagawa ng imbestigasyon ang Kongreso tungkol sa korupsiyon sa ahensiya.

Pero wala yatang kaibahan iyon sa isang pulis na nagtimbre sa mga drug lords na kumaripas na ng takbo dahil parating na ang raiding team?

Mr. Fast and Furious!

*              *              *

Kung may isang bagay man na pinagkakasunduan sina Bongbong Marcos at Digong Duterte, iyon ay ang pagrerekomenda ng Reserve Officers Training Course (ROTC) sa kabataan ngayon. Sa magkahaliling termino, binigyang-diin ng mga pangulong ito ang pangangailangan sa higit na pagiging makabayan, pamumuno, disiplina, at kahandaan sa mga delikadong sitwasyon para sa mga halos adult teenagers na.

Dama ang pag-aapurang obligahin ang pagsasapuso ng kahalagahan ng ROTC mula sa dalawang presidenteng hindi naman nakaranas mag-ROTC!

*              *              *

Walang dudang pumatok sa takilya ang “Maid in Malacanang” ni Direk Darryl Yap. Para sa ilang manonood, madaling makakombinsi ang paraan niya ng pagkukuwento.

Kung itutuloy-tuloy lang niya ang winning formula niyang ito, tiyak na malaki ang kanyang kikitain sa susunod niyang pelikula, “Yamashita: Bayani ng WW2.”

*              *              *

Sa huli, ikukuwento ko ang pinakanakakaaliw na post na nabasa ko sa social media ngayong linggo, mula sa Facebook user na si Sid Miller:

“Isang truck na puno ng libo-libong kopya ng Roget’s Thesaurus ang naaksidente kahapon, at kumalat ang lahat ng laman nito. Ang mga nakasaksi sa insidente ay stunned, startled, aghast, taken aback, stupefied, confused, shocked, rattled, paralyzed, dazed, bewildered, mixed up, surprised, awed, dumbfounded, nonplussed, flabbergasted, astounded, amazed, confounded, astonished, overwhelmed, horrified, numbed, speechless, at perplexed.”

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …

Firing Line Robert Roque

Makaka-jackpot ba uli ang mga Pineda?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TULAD ng nangyari na sa Pasig City, pinatunayan ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …