MA at PA
ni Rommel Placente
SA pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Sabado, August 13, ay ibinahagi ni Pasig Mayor Vico Sotto na sumailalim siya sa isang medical procedure na may kinalaman sa nararamdaman niyang sakit sa tuhod.
Dahil dito, sinabi niya sa kanyang mga constituent na hindi na muna niya mapupuntahan ang ilang mahahalagang events na nakakalendaryo na sa kanyang opisina.
Facebook post ni Mayor Vico, “Kahapon sumailalim ako sa procedure na PRP o ‘platelet-rich plasma sa dalawang tuhod. Kaya bilin ng Doktor, bawasan ko muna ang paglalakad hanggang bukas (August 14).
“Kaya magpapaalam lang ako na limitado lang muna ang maaattendan kong events hanggang sa Martes.
“Maraming salamat sa napaka husay na sina Doc Gar Eufemio ng Peak Form. Magsasampung taon na kong nagpapatingin sa kanila.
“Hindi ko na maalala ang bawat injury ko sa dami. pero yung sa tuhod talaga ang malaking problema dahil ang sakit maglakad tapos kulang ang oras ko para magpa therapy/gym,” sabi pa ni Vico tungkol sa kanyang karamdaman.
“Napaisip nga ako nung International Youth Day nung August 12 …33 yrs old pa lang ako, pang senior citizen na tong tuhod ko.. kailangan alagaan din natin ang ating KALUSUGAN.
“Kaya ito, sa susunod na buwan, HA/lubricant naman (pang senior na talaga haha), tapos strengthening program. Malay natin, makapag back from retirement (basketball emoji) pagkatapos ng ilang buwan,” pahayag pa ng anak ni Vic Sotto.
Wish lang namin na gumaling na ang mga tuhod ni Mayor Vico.