Sunday , December 22 2024

Dapat may makasuhan sa Sugar Order #4

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAGBITIW na si Department of Agriculture Mr. Leocadio Sebastian sa kanyang puwesto bilang undersecretary for operation at chief of staff ng Secretary of Agriculture dahil sa makontrobersiyal na pagpirma sa ilegal na importation order para sa 300,000 metrikong tonelada ng asukal.

Kasabay ng pagbibitiw, humingi rin ng paumanhin si Sebastian kay Pangulong Marcos, Jr., sa paglagda sa Sugar Order No. 4 nang walang go signal ang Pangulo. Hayan kasi e, nangengealam. Hehehe. Ano ba mayroon sa SO4 at agad na pinirmahan ito nang walang paalam kay Pangulong Marcos? Magkano ba? Ang alin? Ang halaga ng 300,000 metrikong tonelada at tila minamadali ang pag-angkat nito? Ha? Wala naman nagmamadali, inakala lang po ni Sebastian na puwede siyang lumagda ng “Sugar Order” dahil sa responsibilidad na iniatang sa kanyang bilang undersecretary.

Bagamat, hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng mga taga-DA, opisyal man o simpleng empleyado na ang tumatayong bossing ng departamento ay ang mismong Pangulo ng bansa, si FM Jr. Lalong hindi lingid sa kaalaman ni Sebastian at ilan pang nasa likod ng SO#4 na si Pangulong FM Jr., ang kanilang bosyo.

Ngayon, nakapagtataka lang kung bakit nagawa nila ang pirmahan blues na walang basbas ang Pangulo na siya rin ang chairman ng Sugar Regulatory Board (SRA).

Wala naman sigurong masamang balak o intensiyon si Sebastian sa pagpirma at sa halip, concerned lang siya sa kalagayan ng stocks ng asukal sa bansa…kapos na raw kasi ang asukal.

Sa kabila ng lahat, kahanga-hanga itong si Sebastian, nagbitiw siya sa posisyon at humingi ng apology kay Pangulong FM Jr., sa nangyari. E paano naman iyong iba pang nasa likod ng SO#4? Ano pa ba ang kanilang hinihintay, makaladkad ang kanilang mga pangalan bago bumitiw sa posisyon? Mahiya-hiya naman naman kayo. Nasaan ang delicadeza ninyo. Gayahin ninyo si Usec. Sebastian, may delicadeza.

Kaya magbitiw na kayo kung may natitira pa kayong kahihiyan. Ano ba ang mayroon at tila kapit tuko pa kayo?

Pero ang tanong, sapat na ba ang pagbibitiw at paghingi ni Sebastian sa makontrobersiyal na pirmahan blues? Siyempre hindi…kailangan niyang ay imbestigasyon. Hindi lang para malaman kung sino-sino ang sangkot sa tangkang pag-aangakat ng asukal at sa halip, asuntohin din.

At higit sa lahat, malaman din ang tunay na intensiyon o motibo sa tangkang pag-angkat. Napaulat na magsasagawa ng imbestigasyon ang Kongreso hinggil sa isyu…sana may katuturan ang imbestigasyon at hindi grandstanding ang mangyayari. Sana ay makalkal din ang lahat ng kalokohan sa SRA. Iyan lang naman ay kung mayroon. Busisisin ang lahat ng transaksiyon sa SRA.

Nagbitiw si Sebastian, hindi ibig sabihin na tapos na ang lahat…dapat may managot at makasuhan.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …