PANIBAGONG pagbawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes inianunsiyo ng mga kompanya ng langis.
Bilang ika-8 sa sunod na linggo sa diesel at ika-7 sa gasolina ngayong taon.
Sa advisory ng Chevron Philippines, babawasan nila ang kanilang pump prices ng mga produktong gasolina ng P0.10 sa kada litro, diesel ng P1.05 kada litro at kerosene ng P0.45 centavos kada litro epektibo alas 12:01 am ng Agosto 16.
Ang Petron Corporation at Pilipinas Shell, kasama ang Seaoil Philippines at Flyin V ay nag-anunsiyo rin ng kani-kanilang pump price adjustments sa magkatulad na halaga at sa parehong oras na pagpapatupad ng Chevron.
Ang PTT Philippines, Petro Gazz, Unioil Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum at Jetti Oil ay nag-anunsiyo rin ng parehong pagbaba ng presyo sa kanilang mga produktong gasolina at diesel sa 6:00 am ng Martes habang wala naman silang produktong kerosene.
Gayondin ang presyong rollback ng Clean Fuel na magkakabisa sa ganap na alas 8:01 ng umaga ng Martes.
Batay sa energy sources industry, ang pagtaas ng produksiyon ng langis at pagbaba ng mga presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado ng langis. (GINA GARCIA)