Monday , December 23 2024
Angelica Panganiban Camille Prats

Angelica inamin nagkaroon ng trauma ‘pag nadadagdagan ang timbang

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Angelica Panganiban sa Youtube vlog ng kaibigan na si Camille Prats, ay nagbalik-tanaw ang dalawa sa naranasan nila  noong mga teen-ager pa lang sila, na kino-call out ang atensiyon nila kapag nadaragdagan ang kanilang timbang. Hindi kasi sila magandang tingnan sa screen, sa show nila noon na Gimik, kasama sina Carlo Aquino, John Prats, at Hearth Evengelista.

Si Camille ang unang nag-bring up ng topic.

Sabi ni Camille, “Grabe rin, ‘no? Iba pala talaga ‘yung mga bagay na inire-require ng industriya.”

Nag-iyakan daw sila noon ni Angelica nang nakatanggap ng notice (sa pamamagitan daw ito ng sulat) para ipaalam na nadagdagan ang kanilang timbang.

Sabi naman ni Angelica, dahil sa pag-gain ng weight, hindi muna siya pinag-taping.

“Sis, hindi nila ako pinag-taping, ‘di ba? May isang taping hindi na ako… parang, ‘Pahinga muna siya ngayon…’ Para raw matauhan ako sa katawan ko,” sabi ni Angelica.

Sundot ni Camille, hindi nila iyon lubusang naiintindihan noon.

At dahil sa nature ng kanilang trabaho, nagbibigay-saya sa kanila ang pagkain.

Pakiramdam ni Angelica ay may mali sa kanya kapag hindi nasiyahan ang ibang tao sa kanyang weight.

Sabi niya, “Medyo masakit ‘yun, ano?  Parang growing up, alam mo may trauma siya, ha.

“Hanggang ngayon parang, like may check-up ako dahil buntis ako. Sasabihin, ‘O, naggi-gain ka ng weight, hindi okay,’ nasasaktan ako…”

Ayon naman kay Camille, naging personal sa kanila ang ganitong pagpuna.

Dagdag ni Angelica: “‘Yung atake sa akin parang may mali talaga akong ginagawa, ‘pag sinabi sa akin na malaki ako ngayon.

“I take it personally ‘pag sinasabi ‘yun sa akin kasi nga ganoon ako lumaki.

“Tumatak siya sa akin, naging stigma. Na parang may mali kapag ‘di mo napi-please ang mga tao. Hindi pasado sa kanila.

“Masakit ‘yun, a,” aniya pa.

About Rommel Placente

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …