Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BJMP DepEd

1,000 tauhan ng BJMP, tutulong sa Brigada Eskwela 

MAGPAPAKALAT si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Allan Iral ng may 1,000 personnel upang tumulong sa Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Iral, kaniyang patutulungin ang mga personnel para sa pagsasagawa ng cleanup drives at volunteer works para sa pagbubukas ng klase sa 22 Agosto 2022.

Nabatid, nakagawian ng BJMP ang sumuporta sa DepEd partikular sa tuwing idaraos ang Brigada Eskwela.

Ang Brigada Eskwela ngayong taon, may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral” ay nagsimula nitong 1 Agosto 1 at tatagal hanggang 26 Agosto.

Una nang inatasan ni Interior & Local Governemnt Secretary Benjamin Abalos, Jr., ang local government unit (LGUs) na tumulong sa paghahanda ng mga paaralan para sa pagbubukas ng school year 2022-2023. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …