NAKUMPISKA ang higit P80,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa limang suspek sa droga kasunod ang ikinasang entrapment operation sa Brgy. Sibacan, sa lungsod ng Balanga, lalawigan ng Bataan, nitong Miyerkoles ng gabi, 10 Agosto.
Kinilala ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga arestadong suspek na sina Arman Manuel, 41 anyos; Mark Darwin Santos alyas Dawong, 35 anyos; Ruben Manuel alyas Tagalog, 53 anyos; at Arcenio Manuel, pawang mga residente ng Balanga; at Michael Amigable, 25 anyos ng Orion, sa naturang lalawigan.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 12 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P81,600; drug paraphernalia; at buybust money.
Ikinasa ang operasyon ng magkasanib na mga operatiba ng PDEA Bataan, Bataan PDEU at 2nd PMFC.
Nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa RA 9165 0 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. (MICKA BAUTISTA)