Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Valerie Concepcion Family

Anak ni Valerie 17 taon nang ‘di nakikita ang tunay na tatay

MA at PA
ni Rommel Placente

WALANG problema at okey lang kay Valerie Concepcion kahit LDR (long distrance relationship) ang mayroon sila ni Francis Sunga, na naka-base at nagtatrabaho sa Guam. 

Hindi naman kasi sila nawawalan ng communication. From time to time ay nagtatawagan silang dalawa. At nagpupunta rin ng Guam ang maganda at sexy pa ring aktres. At si Francis, ay nagagawa rin namang bisitahin si Valerie sa ‘Pinas.

Sinusubukan na rin naman nina Valerie at Francis na magkaanak, pero hindi pa ‘yun nangyayari. 

We’re trying naman po na magka-baby na ulit since last year, pero wala pa, hindi pa nabibiyayaan. Kung kailan na lang po darating,” sabi ni Valerie nang makausap namin. 

Kaya nasabi ni Valerie na magka-baby ulit, dahil may isa na siyang anak, si Heather Fiona, at si Francis ay may isa na ring anak sa dating nakarelasyon, na isa ring babae.

Natutuwa si Valerie na hindi man tunay na mag-ama sina Fiona at Francis ay close ang dalawa.

Super okey silang dalawa. Nakatutuwa, noong una si Heather, naiilang pa siyang tawaging papa si Francis. Pero ngayon, tanggap na tanggap niya na, na papa niya si Francis.

“Pati si Francis lagi siyang ‘O ano, kamusta na ‘yung anak natin?’ Ganyan na siyang magsalita,” kuwento pa ni Valerie.

Ang tunay na ama ni Heather, ay hindi pa nito nakikita at nakikilala. Kaya nalulungkot si Valerie.

Hanggang ngayon hindi pa rin nami-meet ng daughter ko ‘yung biological father niya. And she’s turning 18  ha? Debut niya na sa October.

“Noong 13th birthday ng anak ko, sabi niya, ‘Ma ready na akong makilala si Papa.

So noong sinabi niya na ready na siya, nag-message ako roon sa dad.

“Five years later, wala namang reply. Hindi ko alam kung nag-seen siya.” 

Dahil deadma nga ang tunay na ama, kaya sumama ang loob dito ni Heather. 

Ngayon tuloy imbes na hindi siya galit, parang napi-feel ko na medyo may sama siya ng loob.

“Kasi noong sinabi ko na ‘O, 18th birthday mo na, i-invite ba natin ‘yung papa mo?’ Ang sabi niya, ‘Si Papa Francis?’ ‘Hindi! ‘Yung totoo mong Papa.’ Sagot niya, Ba’t natin siya i-invite?’ May ganoon na siya,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …