HARD TALK
ni Pilar Mateo
BUYANGYANG man is the name of the game, sigurista ang big boss ng 3:16 Media Networks na si Len Carillo, na hindi lang ang mga katawan ng alaga niya ang mapapansin kundi ang akting ng mga ito sa roles na iniatang sa kanila.
Aalagwa na sa August 12, 2022 sa Vivamax ang The Influencer na pinagbibidahan nina Sean de Guzman at Cloe Barreto.
Pinansin ang akting ng dalawa sa Louie Ignacio project. Kasi nga, umangat na raw o tumaas na ang level ng pag-arte nila sa harap ng kamera.
Dahil nga siguro silang dalawa na ang bida sa pelikula kaya, pinag-igihan ant ibinuhos nina Cloe at Sean ang lahat ng kanilang nalalaman sa mga katauhang ginampanan nila.
Iyakan ba? Mukha ngang gamay na ni Cloe ang mga papel na may pagka-mentally derailed ang personalidad ng katauhan niya.
Aksyon? Gamay na rin ni Sean ito. Pero mas tinitingnan ang karakter na sinasakyan niya.
Dito sa The Influencer, inilabas ng kinakitaan na sa husay sa pagiging isang scriptwriter na si Quinn Carillo, ang likot ng utak niya sa mga katauhan ng mga bida.
Ang influencer. Ang stalker.
Ang karumihan ng larong pinili nilang pasukin.
Malinis ang paggawa ni direk Louie sa proyekto. Kaya napuri rin ang camera works nito.
May gustong ibahagi sa lipunan o sa manonood ang pelikula.
Kung ang mga lalaki ba, na magiging biktima rin ng pang-aabuso eh nabibigyan din ng hustisya sa kanilang inirereklamo?
Nakaiintriga naman kasi ang twist na ginawa ni Quinn sa kanyang istorya.
Pero tatanggapin ba natin na ganoon na lang ‘yun?