Friday , November 15 2024
Riding-in-tandem

Pagnanakaw ang target
RIDING-IN-TANDEM SUNOD-SUNOD NA UMATAKE SA BULACAN

MAGAKAKASUNOD ang mga insidente ng nakawan sangkot ang mga riding-in-tandem sa lalawigan ng Bulacan kung saan unang iniulat na biglaang tinangay ng isang lalaki ang mga cellphone ng dalawang babaeng empleyado ng isang kainan sa bayan ng Pandi, Bulacan.

Ayon sa pahayag ng isa sa mga biktima na kinilalang si Rechelle Gonje nitong Martes, 9 Agosto, habang sila ay nanonood sa kani-kaniyang cellphone, may biglang pumasok na lalaki at walang sabi-sabing biglang hinablot ang kanilang mga gadget.

Matapos makuha ang cellphone ng dalawang biktima, mabilis na tumakbo ang lalaki at umangkas sa isang motorsiklo saka tumakas.

Ayon sa mga biktima, hindi nila namukhaan ang suspek dahil bukod sa may hood ang suot na jacket ay nakatakip pa ang mukha nito.

Naiulat na ang insidente sa tanggapan ng Pandi MPS na patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon.

Kasunod nito, kahapon ng umaga, sa Brgy. Guyong, sa Sta.Maria, nabiktima ang isa pang babae ng riding-in-tandem kung saan nakuha sa kanya ang perang nagkakahalaga ng P2,609.

Nabatid na mag-isang naglalakad ang biktima nang lapitan ng riding-in-tandem at sapilitang kinuha mula sa kanya ang bag na naglalama ng pera.

Kaugnay nito, nananawagan ang ilang konsernadong mamamayan na higpitan ng kapulisan ang pagmamatyag sa mga gumagalang riding-in-tandem na ang pakay ay magnakaw. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …