SA patuloy na pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad ng Bulacan PPO, nadakip ang 24 mga pinaniniwalaang tulak at nasamsam ang higit P743-K halaga ng hinihinalang ilegal na droga hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 10 Agosto.
Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, naarersto ang walong hinihinalang drug dealers sa drugbust operation na ikinasa ng Provincial Intelligence Unit (PIU) katuwang ang mga police sation ng Norzagaray at San Jose Del Monte, at mga elemento sa SOU3 PDEG.
Narekober ang 80 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P544,000 mula sa mga nadakip na suspek na kinilalang sina Kristine Guerina, Richard Pineda, Joven Bugarin, Leon Bello, Romnick Isidro at Jorge Lopez sa Brgy. FVR, Norzagaray, Bulacan.
Gayundin, nasukol sa San Jose del Monte dakong 4:00 ng madaling araw kamakalawa ang mga suspek na kinilalang sina Allan Sabino at Alice Cooper Kenniker dahil sa pangangalakal ng droga.
Nakumpiska mula sa kanila ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000 at buy-bust money.
Samanatala, narekober ng anti-drug operatives ng Malolos CPS, Norzagaray, Bocaue at Hagonoy MPS ang may kabuuang P97,308 halaga ng hinihinalang shabu na may timbang na 14.31 gramo mula sa nadakip nilang 13 suspek sa droga.
Kinilala ang mga suspek na sina Carlo Turco at Jeffrey Velarde mula sa Malolos; Jerald Khenn Bonales , Anthony Tabasa at Oliver Poliedo, mula sa Norzagaray; Christian Gabrielle Gallarde at John Angelo De Castro mula sa San Jose del Monte; Charmaine Gonzales at Mark Ian San Gabriel, mula sa Bocaue; at Angelo Bernabe, Ulit Balbada, Reynaldo Pacheco, Jr., at Diosdado Nopal, Jr. mula sa Hagonoy.
Nasakote din ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pandi, Baliwag at Obando MPS ang mga suspek na kinilalang sina Rufino Feliciano ng Pandi; Arsenio Sortiz ng Baliwag; at Jayferson Joseph ng Obando kung saan nakumpiska mula sa kanila ang 10 pakete ng hinihinalang shabu at marked money. (MICKA BAUTISTA)