PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
PINATUNAYAN ni Maja Salvador na hindi lang siya magaling sa drama kundi pati sa comedy. Pasado rin siya sa comedy dahil sa mga papuring natanggap niya mula sa netizens at mga nanood ng pinagbibidahan niyang bagong sitcom sa TV5, ang Oh My Korona, na ipinalabas ang pilot episode noong Sabado, August 6.
Pasado rin sa netizens ang Oh My Korona (OMK) dahil nag-trending sa Twitter ang #OhMyKoronaTV5 noong ipalabas ang pilot episode. Narito ang ilang tweets patungkol kay Maja bilang si Lablab sa OMK.
“Yes Mhie lablab super saya and nakatatawa. Indeed dala mo ang iyong pagpapatawa sa mga Dabarkads through here sa ‘OMK.’”
“Superr!!! You never disappoint Queen! Iba ka talaga”
“I super enjoy it ate maja nakakagoodvibes. Grabe, ang dami kong tawa kanina. Matutulog talaga ako ngayon na kinikilig parin hahaha dahil sa team LabTim.”
“We loved it It’s such a fun and light show. Very perfect to watch after a very long and tiring weekdays.”
“Super gaan lang ng mga character nyo, bawat isa may kanya kanyang kwento at pangarap na gustong matupad. proud of you, Maj! Congrats CAM Family, TV5, OMK Fam! Nice meeting you, Lablab.”
Kaya naman nag-tweet ng pasasalamat si Maja. “Kaya lablab din talaga namin kayo nang bongga eh! Thank you for making #OhMyKoronaTV5 trend, Kapatid! Next Saturday ulit, 7:30PM, dito lang sa #WeekendTripTV5! #IBAngSayaPagSamaSama,” sabi ni Maja sa kanyang tweet.
Tuwang-tuwa nga ang viewers dahil fresh at ibang-iba ang konsepto ng show sa ibang sitcoms na nagawa na sa telebisyon.
Nakaaaliw din naman kasi ang mga antic at kakulitan ni Tsong Joey Marquez lalo na at bihasa na ito sa paggawa ng sitcom eversince sa nakatutuwang karakter niya sa Palibhasa Lalake. Sinabayan pa ito ni Maja na ini-reveal ang kanyang hidden talent sa pagiging komedyante.
Nagkaroon ng exclusive watch party ang cast noong Sabado at present dito sina Maja, RK Bagatsing, Kakai Bautista, Pooh, Thou Reyes, Christine Samson, Jessie Salvador, Guel Espina, at ang direktor ng show na si Ricky Victoria. Kabilang din sa pumunta sa watch party si Rambo Nunez, ang real life partner ni Maja na isa sa executives-in-charge ng production.
Noong nakita ko ang mga in-upload na photos ng TV5, talagang masaya ang cast na sabay-sabay mapanood for the first time ang kanilang unang episode. Wala man sina Tsong Joey at Jai Agpangan sa watch party, ipinaramdam pa rin nila ang kanilang suporta at pasasalamat sa kanilang fans sa social media.
Samantala, naka-chat namin sa Messenger ang OMK director na si Ricky para batiin sa success ng kanilang pilot episode at sa pag-trending sa Twitter. Hiningan namin siya ng pahayag tungkol dito at kung ano ang masasabi niya sa mga nanood.
“Masarap. Masaya. Kasi natupad ‘yung pangarap kong magdirehe. ‘Yung vision ko sa show nasunod. From set to character design. Tapos magaling pa ang cast. Honored at ang suwerte namin to have Tsong Joey sa show. And of course, fulfilling na maidirehe ang isang dekalibreng aktres gaya ni Maja. Pero may kasama pa ring nerbiyos, kasi ‘di naman ito one night only show. Kaya sana tuloy-tuloy niyo lang kaming panoorin. Sa mga nanood, maraming salamat. Sa mga nag-tweet at nagpa-trending, salamat sa inyo. Sana samahan niyo kami tuwing Sabado. Promise, papasayahin namin kayo,” ani Direk Ricky.
Para sa mga hindi nakapanood ng pilot episode ng Oh My Korona, tumutok sa Facebook page ng TV5 at ang mga bagong episode nila tuwing Sabado, 7:30 p.m. sa TV5 at Cignal Play.