Saturday , December 28 2024
sk brgy election vote

Eleksiyon sa barangay at SK iliban – Hataman

DAHIL SA PANDEMYA, nagmungkahi si Basilan Rep. Mujiv Hataman na ipagpaliban muna ang eleksiyon sa barangay at sa Sangguniang Kabataan.

Ayon kay Hataman, mas mainam na iraos ito sa Mayo 2024 imbes sa 5 Disyembre.

“Nasa gitna pa rin tayo ng rumaragasang pandemya, hindi pa balik normal ang lahat. Hindi natin sigurado kung ano ang kalagayan ilang buwan mula ngayon. Kaya ang aking panukala, ipagpaliban muna ito,” anang dating gobernador ng binuwag na Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“At nakita naman natin, nitong nakaraang halalan, napakamahal ng gastos kaugnay sa preparasyon at aktuwal na botohan sa ating pagnanais na maging ligtas ang lahat ng nais na bumoto. Mas makabubuti kung makatitipid tayo ngayong taon at magamit pa sa ibang bagay ang pondong nakalaan sa halalan,” dagdag niya.

Inihain ni Hataman ang House Bill No. 3384 na naglalayong amyendahan ang Republic Act 9164 upang ipagpaliban ang eleksiyon sa barangay at SK mula 5 Disyembre 2022 tungo sa pangalawang Lunes ng Mayo 2024.

Ani Hataman, higit 80 bansa ang nagdesisyon na ipagpaliban ang mga kanilang eleksiyon dahil sa CoVid-19.

Aniya, magiging pinakamahal ang pagdaraos ng eleksiyon ngayon dahil sa CoVid-19.

“More than P1 billion was allocated for the purchase of items labeled as ‘COVID-19 supplies’ face masks, alcohol, plastic acetates, and antigen tests for election officers who attended training,” ani Hataman.

“With the passage of the bill, the government is expected to generate savings of approximately P8 billion – a significant amount for a cash-strapped government. This representation believes that the budget could be realigned for economic stimulus and CoVid-19 response programs for the benefit of the entire nation,” aniya. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …