Friday , November 15 2024
Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan ng baril ang isa sa kanila, sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon City police chief Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Allan Bataanon, 37 anyos, ng Mabolo St., Brgy. Maysilo at Norlito Pacon, 40 anyos, ng C-4 Road, Brgy. Tañong.

Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Diego Ngippol, nakatanggap ng impormasyon ang Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon mula sa Barangay Information Network (BIN) tungkol sa nagaganap na ilegal na sugal na cara y cruz sa Leoño St., Brgy., Tañong.

Kaagad nagresponde sa naturang lugar ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni P/Lt. Richel Sinel sa koordinasyon sa Sub-Station 6 sa pamumuno ni P/Lt.  Manny Ric Delos Angeles na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos maaktohang nagka-cara y cruz dakong 3:15 am.

Nakompiska ng mga pulis ang tatlong pirasong one-peso coin na gamit bilang pang-kara at P890 bet money, pero nang kapkapan ang mga suspek, nakuha kay Pacon ang isang kalibre 38 revolver, kargado ng anim na bala.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 as Amended by RA 9287 habang karagdagang kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions ang kakaharapin ni Pacon. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …