I-FLEX
ni Jun Nardo
ISANG taon na ang relasyon ng Kapuso artist na si Rhian Ramos sa businessman na si Sam Versoza.
Kinompirma ito ng actor-businessman na si RS Francisco nang magkita kami sa grand launch ng streaming application na AQ Prime at AQ Prime Director’s Cut last Monday sa isang hotel.
In-charge sa marketing ng AQ Prime si Francisco. Tumanggi siya nang alukin ng producers na sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Honey Quino.
Magkakaroon din daw ng Frontrow channel sa app at reality show niya.
Ilan naman sa bagong contents na puwede nang mapanood sa AQ Prime ay Huling Lamay, Bingwit, at La Traidora. Ipinakilala rin sa launching ang bagong stars ng AQ Prime.
Sa bagong streaming app, may promo sila na sa isang buwan subscription, ang bayad ay P100 lang, huh!