Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nic Galano, kaabang-abang sa In the Nic of Time sa Music Box sa Aug. 11

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG guwapitong Pride of Ilagan City na si Nic Galano ay mapapanood this Thursday, Aug. 11 sa Music Box sa concert na In the Nic of Time. Ito ay mula sa pamamahala ni katotong Direk Obette Serrano.

Maraming excited nang makita ang husay ni Nic sa pagkanta, kasama na kami, dahil sa launching ni Nic at ng ARTalent artists ni Doc Art Cruzada ay bitin ang marami sa pa-sample sa husay sa kantahan ni Nic.

Kinuha namin ang reaksiyon ni Nic sa nalalapit na show sa Music Box. Aniya, “Two days to go po, hay… nauuna po kasi ‘yung excitement ko kaysa kaba po, hahaha! Masaya po ako na makapag- perform kasi ito po ‘yung pangarap ko. Kinakabahan po ako sa outcome ng show, like ano po ‘yung masasabi sa akin ng mga manonood after the show, safisfied ba sila? Di ba sila lugi sa ibinayad nila? Gusto pa rin ba nila akong mapanood ‘pag nagkaroon uli ako ng concert? Matutuwa ba sa akin ‘yung producer/manager ko?

“Feeling ko po magdedepende rito sa concert ko ‘yung magiging kapalaran ko sa entertainment industry and sana po ‘di ko sila ma-disappoint,” wika ni Nic.

Dagdag ni Nic, “Expect po nila rito na mahahawahan ko sila ng energy ko dahil mapapaindak sila sa sing and dance numbers at mapapa-oooh lala sa mga birit lines, hahaha! At mai-inspire sa kuwento ng buhay ko, sa place kung saan ako nagmula. Magagaling po mga guests ko, I’m sure matutuwa at mae-entertain ang mga audience sa mga mapapanood nila.

“Preparations ko po, pumasok po ako sa G Force Dance studio and nagpunta po ako sa voice coach ko. Nagre-rehearse po ako ng mga sasabihin ko as well as practice-practice sa mga songs and dance steps.

“Ito po ‘yung first solo concert ko, dati po sa first concert kasama ko ang Lucky 9 Boyband, naging guest singer din po ako ng Pinoy Boyband ng ABS CBN sa Singapore, naging front act ng malalaking singers sa pa-concert during fiesta sa province,” pakli ni Nic na naging qualifier sa 2018 Idol Philipppines.

Si Nic ay endorser din ng Queen Eva’s Salon na patuloy na dumarami ang branches.

Special guests sa In the Nic of Time sina Ate Gay, Hagibis 4th Generation, Regina Otic, Erika Mae Salas, Dax Martin, at ang 3nity Band. Kaya hindi lang matinding kantahan ang aabangan dito, kundi pati matinding tawanan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …