HATAWAN
ni Ed de Leon
PARANG isang trahedya rin ang nangyari kay Jaya. Nasunog ang kanilang bahay sa US at walang natira ano man. Nagpapasalamat na lang sa Diyos si Jaya at wala namang nasaktan sa kanila sa naganap na sunog.
May insurance naman daw iyong bahay, pero hindi ang iba pa nilang properties at mga kasangkapang nasunog.
“Magsisimula na lang kami ulit,” ang nasabi na lang ni Jaya.
Ano ba iyan, puro na lang trahedya ang dumarating.