Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di holiday ngayon; tanungin n’yo pa si JPE

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Department of Education (DepEd) dahil 23 porsiyento lang ng mga kinakailangang kumpunihing silid-aralan sa buong bansa ang nakompleto nito noong 2021, kahit pa mayroong P9.49 bilyong budget na inilaan para rito.

Bukod pa ito sa pagbibigay-diin ng COA sa kakulangan ng DepEd na gastusin ang P4.52-bilyong pondo nito sa distance learning o ang P2.4 bilyong ipinambili nito ng mga wala nang silbing laptops.

Teka, ano nga iyong humihiling sa Kongreso ng P848-bilyon budget sa susunod na taon?

*              *              *

Sawa na ba kayo sa mga tinaguriang ‘political butterflies’? Well, hindi ito maliit na bagay lang para kay dating pangulo-ngayon-ay-House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Inihain niya kamakailan ang House Bill No. 488 (Political Party Act), na nagpaparusa sa lahat ng mga papalit-palit ng partido politikal gaya niyong mga nang-iwan sa kanya sa ere sa napakakontrobersiyal noong iilang araw na natitira sa kanyang pagkapangulo. Pero mistulang iba na rin ang mga kasa-kasama niya sa nakalipas na mga buwan, o baka naman para lang siyang isang batang naliligaw.

Pinipigilan kong matawa, pero ang dating sa akin nito ay isang nakatatawang kuwentong enkanto dahil nanggaling sa kanya. E, bakit hindi na lang ihaing muli ang anti-dynasty bill? Para bang kumuha ka ng bato at ipinukpok mo sa sarili mong ulo?

*              *              *

Iniulat nitong Miyerkoles ng Manila Bulletin na sinabi raw ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, dating nanguna sa gera kontra droga ng administrasyong Duterte bilang PNP chief, kaisa siya ng mga biktima at pami-pamilyang naapektohan ng nabanggit na kampanya. Maikling katahimikan… tapos, mahabang katahimikan.

Pendong-Peace!

*              *              *

Nitong Huwebes, mismong si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang nagsagawa ng weirdong hakbangin na i-fact-check ang naglabasan sa social media na umano’y proklamasyon ng pangulo na nagdedeklara sa 9 Agosto 2022 bilang special holiday upang bigyang-respeto ang pagpanaw ni dating pangulong Fidel V. Ramos.

“Fake news” lang daw ‘yun, aniya.

Kayo naman, guys… kahit nga si Juan Ponce Enrile ay may pasok ngayong araw!

*              *              *

Kasunod ng pagkakatalaga ni Pangulong Marcos sa dati niyang election lawyer, si George Erwin Garcia, bilang chairman ng Commission on Elections –

Garcia: “Nagulat talaga ako.”

Ako: E, ako hindi.

*              *              *

Para sa ilan sa aking mga mambabasa, brutal daw ang pagiging kuwela ng pagkondena ko sa pagkakatalaga kay dating solicitor general Jose Calida sa COA sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Well, nag-sorry naman ako kung brutal man ang dating ng ginawa ko.

Sa totoo lang, panis nga ako sa patawang komento ng isang netizen na nagsabing ang pagiging hepe ng COA ng isang dating SolGen — na kumubra ng apat na beses ng kanyang suweldo bilang allowances — ay maitutulad sa ‘pagtatalaga kay Dracula para guwardiyahan ang blood bank.’

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View. Basahin ang bago at nakalipas na issues ng kolum na ito sa http://www.thephilbiznews.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …