Tuesday , November 11 2025
Cloe Barreto Sean de Guzman The Influencer

Sean at Cloe bibida sa The Influencer 

MATABIL
ni John Fontanilla

MAPAPANOOD ang isa sa pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon, si Sean De Guzman kasama ang isa pa sa mahusay sexy actress, si Cloe Barreto sa isang napapanahon at makabuluhang pelikula, ang The Influencer.

Ang The Influencer ay  kuwento ng isang social media influencer na hinahangaan ng kanyang fans. Mayroon siyang power na magmanipula ng mga tao hanggang isang araw ay nakahanap siya ng katapat sa katauhan ni Nina (Cloe) isang obsessed fan na may pagka-psychotic.

Sa pelikulang ito ay muling ipamamalas ni Sean ang kanyang husay at lalim sa pag-arte na napanood sa kanyang mga naunang pelikula.

Makakasama nina Sean at Cloe sa movie sina Elizabeth Oropeza, Ruby Ruiz, Quinn Carillo, Karl Aquino, at Calvin Reyes.

Ang The Influencer ay mapapanood sa Vivamax sa August 12, produced  ng  3:16 Media Network at Mentorque Entertainment na idinirere  ni Louie Ignacio at isinulat ni Quinn Carrillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …