Friday , November 15 2024

US base entrepreneur/producer Tommie Mopia Gawad America awardee

RATED R
ni Rommel Gonzales

IPINANGANAK at lumaki sa Pilipinas, sa Iloilo, si Tommie Mopia at nag-migrate sa Amerika kasama ang kanyang pamilya noong 2008.

Nagtapos ng kursong Nursing sa Adventist University of the Philippines ngunit hindi niya napraktis ang pagiging isang Nurse.

Sa kasalukuyan ay kumukuha si Tommie ng kursong Business Management with Finance sa Northwestern University sa Amerika at isinasabay ang pag-aaral sa kanyang pagiging isang entrepreneur/music and concert producer sa pamamagitan ng kanyang Excellence production company.

“My main business is in healthcare, I do mostly hospice and home health agencies here and mostly we run it mostly with Filipino staff that I have to help the Asian and Filipino community here in Los Angeles.

“Aside from that I ventured into doing entertainment industry almost two years from now.”

Ang una niyang nai-produce na malakihang show ay ang concert sa US ni Jake Zyrus. Sila ang unang team na nakapagdaos ng isang physical concert habang may pandemya ng COVID-19.

Dalawang beses naipag-produce ni Tommie ng concert si Jake, ito ay noong  November 2021, sa Los Angeles at sa Orange County, na guest ni Jake ang award-winning Filipino-American musical director, keyboardist at producer na based din sa Los Angeles, California, si Troy Laureta at Filipina-American Pop/R&B singer at songwriter na si Cheesa Laureta.

Si Tommie ang nagmamay-ari ng TGM Group of Companies Inc., St. Anthony Hospice, CB Hospice, Tram Hospice, Quad Care Hospice at ng Comprehensive Healthcare Services na nakabaseng lahat sa US.

At bilang concert producer, ang sumunod niyang ipinag-produce sa US ay si Jed Madela nitong July 30 na isang sold-out concert.

“We have Ethel Booba coming in, ‘Party and Play’ sa Amerika on September 18 and we have the 6cyclemind tour here in the US, they’re coming in so we’re bringing two legs here in Los Angeles, with Garth Garcia too, Starlink Promotions and with Coco Productions with Cory Miranda.”        

Nais rin ni Tommie na makapag-produce ng concerts sa Pilipinas this year or next year at makapagdala ng local talents mula sa Pilipinas para mag-concert naman sa Amerika.

May inihahanda siya na isang malaking event na gaganapin sa Resorts World dito sa Pilipinas at pagkakataon rin iyon para makapagbakasyon siya sa bansang kanyang sinilangan.

Samantala, tatanggap si Tommie ng parangal bilang Outstanding Young Enterpreneur of the Year mula sa GAWAD AMERICA 2022.

About Rommel Gonzales

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …