Sunday , December 22 2024
Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru nanghinayang, Bianca mag-isang rumampa

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAHIT hindi nakadalo si Ruru Madrid sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, inihayag ng aktor ang kanyang pagiging proud kay Bianca Umali, na nagningning ang ganda sa event.

Sa panayam kay Ruru, sinabi nitong nakaramdam siya ng panghihinayang dahil hindi niya nakasama si Bianca sa gala.

“Noong nakita ko na rin na naglalakad siya mag-isa, she was so beautiful!

“For me, mas kailangan niya ‘yung spotlight na iyon na mag-isa siya, na wala ako sa tabi niya,” sabi ni Ruru na napapabalitang malapit ngayon sa aktres.

Wala mang opisyal na pag-amin ang dalawa sa tunay na namamagitan sa kanila, naging mas bukas na si Ruru na magpahayag ng nararamdaman kay Bianca sa mga post sa social media.

Hindi nakasama si Ruru sa naturang event dahil nasa South Korea siya ngayon at abala sa taping ng Running Man Philippines.

Samantala, ramdam pa rin ni Ruru ang patuloy na pagsuporta ng mga manonood para sa pinagbibidahan niyang primetime action series na Lolong.

May tyansang manalo ang mga loyal Lolong viewers sa bagong Lolong selfie contest na “Ready, Pangil, Smile.” Bisitahin lamang ang Lolong official Facebook page at sundin ang instructions at mechanics para makasali.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …