Monday , December 23 2024
Brod Pete

Brod Pete aminadong laos na, babu na sa showbiz

MA at PA
ni Rommel Placente

MAGRERETIRO na pala sa showbiz ang komedyante at writer na si Herman “Isko” Salvador, na kilala rin sa tawag na Brod Pete. Inanunsiyo niya ang pagreretiro sa kanyang Facebook account. Ang ibinigay niyang dahilan, laos na siya.

Pero aniya, magpapatuloy pa ang kanyang “singing career” at ang online comedy writing workshop niya para sa mga aspiring writer.

Pahayag niya published as it is, “Yes laos na po ako after 43 yrs sa shobiz as a writer and comedian. Im now retired. Nakakasawa din.

“But i am launching my singing career fyi – to pursue my true love — music!

“Ive tried politics, mas nakakatawa kesa sa komedi ang politika. Di ako pinalad para konsehal- siguro dahil sinabe ko na – para mawala ang baha ipapasemento ko ang marikina river- u dont know soundbytes- anyways – marikina deserves less.

“Btw- i am conducting an online comedy writing workshop/playshop! Sept 3 7pm- via zoom. 1k petot lang- 43 yrs of comedy writing in 3 plus hrs.”

Si Isko ay tumakbo bilang konsehal sa unang distrito ng Marikina City noong nakaraang eleksiyon, May 9, 2022, pero hindi siya pinalad. Kaya siguro nasabi niyang laos na siya, na naging dahilan para talikuran na ang showbiz.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …