Tuesday , May 13 2025

Wanted sa P1.87-B drug smuggling, Bren Chong, sumibat

ni ROSE NOVENARIO             

SUMIBAT patungo sa abroad ang negosyanteng pangunahing suspek sa tangkang pagpuslit ng P1.87 bilyong halaga ng shabu matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya ang isang hukuman sa Maynila kamakailan.

Si Bernard “Bren” Lu Chong, may-ari ng Bren Esports, president at general manager ng Fortuneyield Cargo Services, ay pinaghahanap ng mga awtoridad sa kasong drug smuggling na nag-ugat nang masabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 276.3 kilo ng shabu noong 31 May 2019 sa Manila International Container Port’s Container Freight Station 3 (MICP-CFS3).

Itinago ang mga pakete ng shabu sa plastic resins, may kaukulang import documents, upang hindi mabisto ang Fortuneyield ni Lu Chong ang consignee ng illegal drug shipment kasama ang Wealth Lotus Empire Corporation.

Batay sa ulat, unang inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 13 ang arrest warrant laban kay Lu Chong noong 2 Hunyo 2021 pero umapela ang suspek at ibinasura ng korte ang kanyang apela noong 29 Abril 2022.

Napuna ng ilang netizens na umabot ng mahigit isang taon mula nang masabat ang P1.8 bilyong shabu bago nailabas ng korte ang warrant of arrest laban kay Lu Chong at halos isang taon ulit bago ibinasura ang kanyang apela.

“Hindi nakapagtataka kung nakalabas si Lu Chong ng bansa,” komento ng isang netizen.

Batay sa tweet ni Lu Chong kahapon, inamin niyang nasa ibang bansa na siya at ikinaila ang partisipasyon sa drug smuggling case.

“Hello Twitter, as some of you may be aware, throughout the last few hours there have been several news articles written about my alleged involvement in a case in my home country, the Philippines.

I’m writing this twitter thread to categorically deny these claims that may destroy the good name I have taken cared [sic] of for so many years.

Some of you may only know me as a part of the Esports community but in reality I’m a much broader person than just that, I’m an Angel Investor and Entrepreneur. I invest in companies/startups that I believe has great potential or start my own.

I invest in people who has great ideas, and more so, to individuals whom I see goodness and great talent.

I believe in the justice system that protects the innocent, and the truth will always prevail. I hope this clarifies any doubts you have and thank you for your support during these trying times. – Bernard Lu Chong.”

Ang pamilya ni Lu Chong ang may-ari ng World Balance Philippines ngunit ayon sa kanyang kapatid na si Barnaby, presidente ng kompanya, walang kinalaman sa kanilang negosyo ang drug smuggling suspect.

Matatandaang World Balance ang tatak ng rubber shoes na ipinamimigay nang libre ng ilang opisyal ng administrasyong Duterte.

About Rose Novenario

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …