HARD TALK
ni Pilar Mateo
#CHOWFAN!
Termino pala ng mga millennial ‘yan.
Na maeengkuwentro ng mga manonood sa bagong proyekto nina Sean de Guzman sa Vivamax, simula sa Agosto 12, 2022.
The Influencer naman ang bagong script ni Quinn Carillo na ididirehe ni Louie Ignacio, hatid ng 3:16 Media Networks nina Len Carillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy.
According to Quinn, istorya ng ilang kakilala niyang influencers sa social media ang pinagbasehan niya sa ihahatid na pelikula.
Kaya nga marami ang makare-relate. Sa mga trip na tikman ang idol nila. O trip na magtikiman kayo? O isang #ChowFan ang iniidolo? O baka naman isa ring patikim ang fan?
Makakasalo ni Sean sa mga sexy scenes niya sa pelikula si Cloe Barreto.
Ito na nga ba ang bagong mundo ng The Influencer?