Thursday , December 26 2024
Cristine Reyes Imee Marcos

Cristine Reyes, kinopya si Sen. Imee Marcos sa Maid In Malacañang

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasi

ANIMO xerox copy ni Sen. Imee Marcos ang makikita kay Cristine Reyes sa pelikulang Maid In Malacañang.

Hindi naman itinanggi ni Cristine na malaking pressure sa kanyang part na gampanan ang papel ni Sen. Imee.

Wika ng aktres, “Ang laki ng pressure parang ito iyong project ko na mabigat, ang bigat ng bitbit ko at noong binasa ko ‘yung script ay talagang minamadali ko ang handler ko na, ‘Please, please ibigay n’yo na ang script sa akin kasi hindi biro itong gagawin ko, e.’”

Ayon kay Cristine, nang na-meet niya si Senator Imee ay talagang tahimik lang daw siya para maobserbahan ito nang husto.

“Pinagmamasdan ko siya bawat kilos niya, bawat salita… kung paano ba siya… iyong rolling eyes niya, ‘Ay mayroon din pala siyang ganoon, na okay gagawin ko iyon.’

“As in like very observant ako kasi siya iyong gagampanan ko, e. Kaya very challenging for me, super challenging,” saad ng aktres.

Bilang reaction naman sa performance ni Cristine sa pelikula, ito ang ipinahayag ng senadora at presidential sister.

“Ang totoo medyo naaasar na ako kay Cristine, kasi gayang-gaya niya ako pati ‘yung mga hair flip at iyong pangit na lakad ko. Ang taray-taray niya, nakakaasar… kahawig ko na siya, medyo creepy na siya,” nakatawang saad ni Senator Imee.

Sa pelikulang ito na isinulat at pinamahalaan ni Direk Darryl Yap, makikita na si Sen. Imee ang naging sandalan ng kanilang pamilya sa huling tatlong araw nila sa Malacañang. Na pati na ang mga nagsilbi sa kanila ng ilang taon, kasama ang tatlong maids na tampok din sa pelikula ay hindi niya pinabayaan. Isa ito sa kaabang-abang na tagpo sa nasabing pelikula.

Mapapansin din dito ang mahabang eksena at linya o dialogue ni Cesar Montano sa tatlong co-actors dito na sina Cristine, Diego Loyzaga, at Ella Cruz, na ayon kay Direk Darryl ay umabot ng seven minutes each. Ngunit kahit mahaba ang mga dialogues sa naturang eksena ay nagawa nila ito with flying colors, ‘ika nga.

Isa pa sa aabangan din sa pelikula ang special participation ni Robin Padilla, ang numero unong senador sa nakaraang national election.

Sa ending ng pelikula ay malalaman din ang tunay na identity ng three maids na gumanap sa pelikula at kabilang sa mga source ng mga impormasyon na inilahad dito. 

Dito’y ipinakita rin ‘yung mga actual photos ng tatlong maids para patunayang authentic ang characters nila at sila ay totoong tao. Na incidentally ay kilala at na-meet mismo ang dalawa sa kanila ng Hataw columnist at former PMPC president na si Joe Barrameda sa Hawaii at New York. Nabanggit sa amin ito ni Joe habang nanonood sa matagumpay na Red Carpet Premiere nito last July 29 sa SM North Edsa, magkatabi kasi kami sa panonood nito.

Produced by VIVA Films, ang Maid in Malacañang ay isang family drama movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng palasyo bago lumipad papunta sa Hawaii noong 1986 People Power Revolution.

Palabas na ito ngayong August 3 sa almost 200 cinemas nationwide, to be followed by worldwide screenings.

Bibida sa pelikula ang ilan sa pinakamagagaling at hinahangaang artista sa bansa na sina Cesar at Ruffa Gutierrez na gaganap bilang sina President Ferdinand Marcos, Sr., at First Lady Imelda Marcos. Tampok din ang premiere stars ng VIVA na sina Cristine, Diego, at Ella na gaganap naman bilang mga anak – sina Imee, Bongbong, at Irene. Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo.

Incidentally, kapuri-puri ang gesture ng cast and crew ng Maid in Malacañang nang nag-donate sila ng budget for the catering sa premiere night nito worth P500,000 para itulong sa mga mamamayan ng Ilocandia at Abra na tinamaan ng nakaraang malakas na lindol.

“We hope viewers will understand the simple opening night of our film. Enough for me and my family to show our side of the story and history. It is more important now that we help our countrymen affected by the earthquake,” pahayag ni Senator Imee.

About Nonie Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …