Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ricky Davao

Ricky Davao saan nga ba mas masaya, artista o direktor?

RATED R
ni Rommel Gonzales

TATANGGAP ng pagkilala si Ricky Davao sa Gintong Parangal 2022 bilang Natatanging Gintong Parangal Bilang Pinakamahusay na Aktor at Direktor sa Industriya ng Pelikulang Filipino sa August 13 sa Okada Manila Grand Ballroom

Tinanong namin si Ricky kung saan siya mas natutuwa, kapag pinararangalan siya bilang artista, o bilang direktor?

“Wala pa kasi akong nagiging parangal bilang direktor.

“Although may nagawa ako before na nanalo sa Golden Dove na Best Drama, iyon lang, ako ang director niyon pero hindi naman sinabing Best Director, Best Drama.

“Naano (kinilala) na rin ako noon dahil ako ang director niyonn. As director wala pa. As actor, iyon medyo suwerte ako roon.”

Sinabi pa ni Ricky na, “Sa directing kasi mostly TV ang ginagawa ko, isang pelikula pa lang ang nagagawa ko, one third of a film pa lang, ‘yung ‘Gawad Kalinga’ film, ‘Paraiso.’ One third niyong kuwento niyon ako ang gumawa.

“So ayan, iaano ko na rin, sana somebody will ano, I dunno how eh, ngayon, kasi almost all writers become directors, eh.

“Ako I don’t know how to write, sinasabi ko nga kahit love letter hindi ako marunong.”

Kaya may panawagan si Ricky. “So yun ang dream ko makapag-direct ng film, sana if we find a good material, paging writers! Gusto kong makapag-direct din ng pelikula hanggang kaya ko pa.

“Ang pinaka-award ko na mataas na masasabi sa pagiging direktor eH everytime na I shout “Cut!” and then sobra akong affected doon sa actor.

“Iyon, para sa akin isang award na ‘yun. Na, ‘Wow, napaarte ko siya! At ang galing!’

“And ilang beses nang nangyari sa akin ‘yun, iyon so iyon ‘yung parang pinaka-award ko.

“At saka siyempre ‘pag nagre-rate! Well let’s face it it’s still the ratings game that we follow, so iyon, ‘pag nagre-rate ‘yung show ko, ‘wow, thank you, thank you, Lord,’” bulalas pa ng mahusay na actor/director.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …