ni Ed de Leon
ANG kuwento ng isang rich gay, naka-date raw niya ang isang dating sikat na matinee idol, pero disappointed siya, dahil noong maka-date niya iyon, hindi na ganoon ka-pogi dahil siyempre tumanda na rin at napabayaan na siguro ang sarili dahil laos na.
Tapos naawa raw siya, dahil nakita niyang nakapikit iyon. Ibig sabihin, ayaw na niyang makita ang ginagawa niya. Napipilitan lang siya dahil sa mahigpit na pangangailangan siguro. Hindi na raw niya tinapos ang date, binayaran niya iyon at pinauwi na. Na-sense naman daw siguro ng matinee idol na naawa siya, kaya nagpasalamat pa iyon sa kanya. Hinalikan siya nang magpaalam at nagsabi pang “when you want me again just call.”
Ay ganoon?