Friday , November 15 2024
Manila Water

Sa kanilang ika-25 anibersaryo  
MANILA WATER NANGAKO NG “QUALITY WATER” AT “ENVIRONMENTAL SERVICES”

KASABAY ng ika-25 anibersaryo ngayong Lunes, 1 Agosto, muling ipinangako ng Manila Water ang pagkakaloob ng “quality water” at “environmental services” sa kanilang mga konsumer.

Ayon kay Manila Water President at CEO Jocot De Dios, tulad ng paggalaw ng tubig, tuloy-tuloy at nagbibigay-buhay, ang paglalakbay ng Metro Manila East Zone concessionaire Manila Water Company, Inc.,  ay gumawa ng katulad na mosyon.

Mula nang itatag ito noong 1997, napanatili ng kompanya ang kanilang misyon sa paglikha ng mga katangi-tanging probisyon at solusyon na mahalaga sa kalusugan at buhay ng kanilang mga kostumer.

“None of these would have been possible if not for the strong collaboration and partnership through the 25 years, primarily with our regulator, MWSS, and our national and local government partners, the business community, and of course, our customers and other stakeholders,” pahayag ni De Dios.

Bago ang 1997, nagkaroon ng krisis ng tubig sa Metro Manila, ilegal na mga koneksiyon at low water pressure sa mga walang tubig, napakalaking pagtagas, dahilan kaya hindi naging masagana ang serbisyo sa mga kostumer.

Upang malutas ang problema, nilagdaan ni dating Pangulong President Fidel V. Ramos ang Republic Act No. 8041, mas kilalang “National Water Crisis Act” na nag-aatas sa paglilipat ng water distribution sa pribadong sektor noong 1997.

Ang Manila Water ang pumalit sa East Zone concession, at sinimulan ang kanilang obilgasyon sa pagseserbisyo na kinabibilangan ng water, sewerage, at sanitation.

Nagresulta ang pagsasapribado sa pinalawak na saklaw, pinabuting paghahatid ng mga serbisyo, at pagtaas ng kahusayan sa pagpapatakbo.

Mula noon hanggang ngayon, ang Manila Water ay nagtatrabaho nang doble upang patuloy na mapabuti ang kanilang water at wastewater services. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …