Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Poe nagulat sa pagkambiyo ni Bongbong sa DDR

SIPAT
ni Mat Vicencio

NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, nang sabihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na suportado niya ang panukalang pagbubuo ng Department of Disaster Resilience na tututok sa pagpapatibay ng kahandaan ng bansa sa panahon ng kalamidad at iba pang uri ng mga disaster gaya ng malakas na lindol na yumanig kamakailan sa Abra at maraming lugar sa Luzon.

Ayon kay Poe, sa ganitong mga panahon, higit na kailangan ng publiko ang tulong ng gobyerno, magagawa ito sa pamamagitan ng mas coordinated at epektibong pagtugon para sa mga pangangailangan ng mga nasalanta, at ito ay siguradong maisasagawa kung may departamentong tututok dito.

“In our people’s hour of need, government must manifest its presence through a swift, coordinated response in providing for their immediate needs,” reaksiyon ni Poe matapos yanigin ng magnitude 7 na lindol ang lalawigan ng Abra, Miyerkoles ng umaga na nagdulot ng maraming pinsala at pagkamatay ng ilang katao at pagkasugat ng maraming iba pa.

Naniniwala si Poe na ang Department of Disaster Resilience ang inaasahang magiging unang responder sa panahon ng kalamidad at kukumpas sa mga operasyon at alalay sa local government units (LGUs) para mas mapadali hindi lamang ang search and rescue, kundi pagbibigay rin ng ayuda at recovery efforts sa mga apektadong mamamayan at lokal na pamahalaan.

Bukod kay Poe, ilang senador at mga kongresista rin ang nagsusulong sa pagbuo ng DDR.  Sa katunayan, nakapasa na nga ito sa third and final reading sa Kamara at masusing pinagdebatehan sa Senado.

Nangangahulugan lang ito na sa dinamirami ng Senate at House bills na dininig at pinagdebatahen sa mahabang panahon, may batayan talagang kailangan ang isang kagawaran na walang gagawin kundi ang tumutok sa pagpapalakas ng kapasidad ng bansa na tutugon sa panahon ng kalamidad at disaster lalo ngayong matindi ang suliranin hinggil sa climate change.

Pero ang masakit nito ay ang biglang pagkambiyo ni Bongbong matapos magsalita ang self-proclaimed na super ate niyang si Senador Imee Marcos, na hindi na kailangan magtayo pa ng panibagong departamento kundi palakasin na lamang ang NDRRMC na nangungunang ahensiya sa tuwing may kalamidad o disaster na nangyayari sa bansa.

Practically ay harap-harapang kinontra ni Imee ang kapatid nitong si Bongbong sa isinagawang briefing nang sabihin na dagdag gastos lang ang pagtatayo ng bagong departamento at kung bakit hindi na lang palakasin nang husto ang NDRRMC.

At nagpasopla naman agad itong si Bongbong.  Ayaw sigurong mapahiya ang kapatid dahil nasa harap ito ng maraming opisyal kung kaya’t nakiayon na rin sa senador.

Pero umaasa tayo sa mga senador at kongresista na hindi basta-basta na lang isusuko ang isinusulong nilang batas dahil lamang nagsalita na ang super ate. 

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …