Monday , December 23 2024

Movie tickets ipinamudmod sa eskuwelahan
MAID IN MALACAÑANG‘IKINAMPANYA’ NI IMEE SA BUSINESS GROUPS

080122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

TAMEME ang Palasyo sa ulat na humirit si Senadora Imee Marcos sa ilang business groups para bumili ng milyon-milyong pisong halaga ng tiket ng kontrobersiyal na pelikulang Maid in Malacañang para ipamudmod nang libre sa mga paaralan.

Hindi nagbigay ng pahayag ang Palasyo nang humingi ng reaksiyon sa isiniwalat ni civic leader Teresita Ang-See na promotor si presidential sister Sen. Imee sa naturang hakbang para ilako ang pelikulang aniya’y nagpapakita ng pagbaluktot sa kasaysayan.

“Some business groups have been tapped by Senator Imee Marcos  to buy millions of pesos worth of tickets to the film, Maid in Malacañang, to be distributed to schools,” ani Ang-See sa isang kalatas.

Giit ni Ang-See, ang promosyon ng pelikula sa mga eskuwelahan sa bansa ay isang malaking insulto sa mga paaralan, at mga estudyante.

Nagpapakita aniya ito ng ganap na pagbalewala sa integridad, at kawalang paggalang sa katotohanan at historical facts.

“The promotion of this movie Maid in Malacañang in the nation’s schools is an insult to our schools and students. It displays total disregard for integrity, and disrespect for the truth and historical facts,” aniya.

“I thought I was already beyond shock but promoting a film that has been judged as a distortion of history by distributing free passes to students is truly appalling,” dagdag niya.

Katumbas aniya ito ng paghiling sa mga paaralan na isulong ang lantarang kasinungalingan, kamalian, at pagbaluktot sa kasaysayan.

“It is tantamount to asking these educational institutions to promote outright lies, falsehoods, and historical distortion.”

Paliwanag nito, sinusuportahan ng business groups ang Office of the President at hangad na maayos na makapaglingkod sa mga mamamayan ang administrasyon sa gitna ng nararanasang ‘political division.’

Ngunit ang lumikha ng ibayong pagkakaiba ng mga opinyon sa paggiit ng kasinungalingan sa publiko ay magdudulot ng pagguho ng natitira pang respeto sa kasalukuyang liderato ng gobyerno.

“Creating more polarization by forcing untruths on the public just makes us citizens lose any remnant of respect that we may have had for the current leadership of the country,” wika ni Ang-See.

Bagama’t hangad aniya ng business groups ang kabutihan ng administrasyon para sa kapakanan ng sambayanan, lumalabas naman ang tunay na kulay ng pamilya Marcos sa unang buwan nito sa poder.

Inihalimbawa niya ang pagdaraos ng tatlong marangyang party sa Malacañang na may magarbong fireworks sa gitna ng nararanasang pandemya ay napakasama sa panlasa ng mga mamamayang nakalugmok sa kahirapan, kawalan ng trabaho, at gutom.

“We wish they would do well for the sake of our people. But the narratives on the President’s first month in office are showing his family’s true colors. Three lavish parties, with all the works, including elaborate fireworks, in the midst of the pandemic, do not augur well at this time when so many of our people are suffering from joblessness, poverty and hunger,” ayon sa civic leader.

“And allowing the destructive Vape Law to be passed as the administration’s inaugural legislation is beyond incredulous.

“The promotion of this movie Maid in Malacañang in the nation’s schools is an insult to our schools and students.”

Noong nakaraang linggo, kumalat sa social media ang umano’y pagbasura ng Xavier School sa San Juan City sa libreng 300 tiket para sa pelikulang Maid in Malacañang na nagmula sa Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …