Thursday , April 3 2025
arrest prison

Ipinagyabang baril at Granada
KELOT SHOOT SA KULUNGAN

SWAK sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki matapos makuhaan ng ipinagyabang niyang baril at granada sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek bilang si Reynaldo De Jesus, 49 anyos, residente sa #19A P. Concepcion, Brgy. Tugatog.

Sa imbestigasyon ni PSSgt. Ernie M. Baroy at PSSgt. Mardelio Ostin, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section ng information mula sa Barangay Information Network (BIN), dakong 9:25 pm. isang lalaking armado ng ipinagyabang niyang baril ang gumagala sa kahabaan ng F. Sevilla St., Tañong.

Kaagad nagresponde sa naturang lugar ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni P/Lt. Richel Sinel sa koordinasyon sa Sub-Station 6 at nakita nila ang suspek na nakalabas ang baril sa dala niyang sling bag na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Narekober sa suspek ang isang cal. 38 revolver na may limang bala at nang tingnan ang kanyang sling bag ay nakuha ng mga pulis ang isang granada (Frag, MK2, HE) na itinurn-over sa Station Explosive and Canine Unit (SECU).

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosive Device). (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …