Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
FIdel V Ramos FVR

FVR pumanaw na

PUMANAW si dating Pangulong Fidel V. Ramos, 94, kahapon sa Makati Medical Center dahil sa komplikasyon sa CoVid-19.

Nagpaabot ng pakikiramay si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa naulilang pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay ng dating pangulo.

Nagsilbing Pangulo ng Filipinas si Ramos mula 1992- 1998, nauna rito’y naging Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff at defense secretary siya ng administrasyon ni dating Presidente Corazon Aquino mula 1986-1992.

Hepe siya ng Philippine Constabulary nang pangunahan nila ni noo’y Defense Secretary Juan Ponce-Enrile ang EDSA People Power 1 na nagpabagsak sa diktadurang Ferdinand Marcos Sr., noong Pebrero 1986 at nag-upo kay Aquino bilang ika-11 Presidente ng Filipinas.

Naging susi rin siya sa paglulunsad ng EDSA People Power 2 na nagpabagsak sa rehimeng Estrada noong 2001 na nagbigay daan sa pagluklok sa Malacañang kay noo’y Vice President Gloria Macapagal-Arroyo bilang ika-14 na Pangulo ng bansa. (ROSE NOVENARIO)

SENADO NAKIRAMAY
SA PAMILYA NI FVR

AGAD nagpaabot ng pakikiramay ang mga senador sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Mismong si Senate President Juan Miguel Zubiri ang nanguna sa pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya.

Hindi nalimutang alalahanin ni Zubiri ang naging ambag sa bayan ng dating Pangulo.

Bukod kay Zubiri nagpaabot ng pakikiramay sina Senador Ramon Revilla, Jr., at Robinhood Padilla, Senate Majority Leader Joel Villanueva, at Senadora Nancy Binay.

Kanya-kanyang paggunita ang ginawa ng mga senador sa naging malaking ambag sa bayan at bansa ng dating Pangulo.

Gayondin sa naging ambag nito sa ekonomiya at kabuhayan ng mga Filipino.

Naniniwala ang mga senador, malaking kawalan para sa bayan ang pagpanaw ng dating Pangulo. (NIÑO ACLAN)

PAGPANAW NI FVR
IKINALUNGKOT
NG KAMARA

NAGPAHAYAG ng pagkalungkot ang liderato ng Mababang Kapulungan sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos.

Ayon kay House Speaker Martin G. Romualdez malaking kawalan si Ramos.

“We, in the Lakas-CMD, are saddened to learn of the passing of our Chairman Emeritus, former President Fidel Valdez Ramos,” ayon kay Romualdez .

“We all grieve because we lost a great leader and a dear friend. One who is a pillar of strength, and an inspiration to all,” aniya.

Anang speaker, si Ramos ay isa sa mga “great Filipino leaders that took good governance to heart.”

Ang karanasan ni Ramos bilang isang sundalong heneral at ang kanyang karisma ay dapat tularan ng mga politiko sa bansa.

“FVR is a tough act to follow. His legacy will never be forgotten,” anang Speaker.

Para kay Rep. Elpidio F. Barzaga, Jr., ng Dasmariñas City, si Ramos ay isang dakilang lider.

“We lost a great leader. Coalition-building is the heart of his governance. My deepest condolences and sympathies to the family of former,” ani Barzaga. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …