MA at PA
ni Rommel Placente
SA 70TH FAMAS Awards Night na gaganapin sa Linggo ay nakakuha rito ng 17 nominasyon ang pelikulang Katips:The Movie.
Ang dalawa sa bida sa nasabing pelikula na sina Vince Tanada at Jerome Ponce ay naminado bilang Best Actor.
Ang ilan pa sa nakuhang nominasyon ng Katips: The Movie ay Best Visual Effects, Best Sound, Best Original Song (Manhid-music by Pipo Cifra and Lyrics by Vince Tanada), Best Music Score, Best Editing, Best Production Design, Best Cinemetography, Best Screenplay, Best Supporting Actor (Mon Confiado and Johnrey Rivas), Best Supporting Actress (Adelle Ibarrientos Lim), Best Actress (Nicole Laurel Asensio), at Best Picture.
Siyempre pa, happy si Vince na napansin ng FAMAS ang ganda ng kanilang pelikula at silang mga nagsiganap.
Sa August 3 ang showing ng Katips: The Movie at makakasabay nito ang showing ng Maid In Malacanang.
Ayon kay Vince, ang dalawang pelikula ay labanan between good and evil. At bahala na raw ang mga tao ang maghusga kung aling pelikula ang good at ang evil.
Ang tapang ni Vince para sabihin ‘yun, huh! Dahil obvious naman na ang gusto niyang iparating na ang pelikula nila ang good at evil ang pelikulang gawa ng Viva. Pero pinalakpakan siya sa lakas ng loob niya para sabihin ‘yun.
Dahil sa naging pahayag na ito ni Vince, hindi ba siya natatakot na ma-bash lalo na ng mga supporter ng mga Marcos?
Sagot niya, “Hindi naman nila ako kailangang i-bash kasi hindi pa nila napapanood ‘yung pelikula, eh. Ang nakatatawa ‘pag sinabing about sa Martial Law ‘yung pelikula, anti-BBM ka na. Panoorin muna at saka nila sabihin kung anti-BBM o anti-Marcos yung pelikula.”
“Kapag nakita nila, ‘Ay oo nga, anti-Marcos,’ doon sila magsimula mag-bash.
“Ang problema sa mga basher they are bashing without any basis. Kailangang may basehan muna o may konteksto na sinusunod bago sila mag-bash.”
Paliwanag pa ng award-winning actor at director, kung tungkol man sa Matial Law ang Katips: The Movie, hindi ibig sabihin nito na galit na sila sa mga Marcos.