HATAWAN
ni Ed de Leon
NOONG isang gabi, ang napanood namin sa TV ay isang pelikula na ang magka-partner ay sina Anne Curtis at Marco Gumabao. Malakas ang dating ng tambalan nila, at saka maganda pa iyong pelikula. Pre-pandemic kasi iyon eh. Pang sinehan, hindi naman pang internet lamang.
Kaya naisip nga namin, iyong gagawin ngayon ni Marco na ang partner niya ay si Sanya Lopez, na walang dudang mas bata, at nagco-compliment din naman ang hitsura nilang dalawa, aba eh tiyak na sisipa iyan sa ratings.
Basta kami naniniwala na malakas iyang tambalang Marco-Sanya. Halata mo ring iniingatan ng GMA si Sanya. Hindi siya itinatambal sa kung sino-sino lamang. Aba eh nagawa mo nang malaking star isusugal mo pa ba? At least hindi ginawang leading man niya si Ken Chan.