ni Ed de Leon
NAKATULOG daw habang nagpapa-vitamin drip ang isang male star.
Ang tsismis ng mga naroroon, “hindi na siya kasing pogi ng dati, at saka mukhang laspag na laspag na siya ngayon. Simula kasi noong maghiwalay sila ng girlfriend niya kung kani-kanino na siya pumapatol eh. Bakla man o matrona pinapatulan niya.”
Iyan ang sama ng mga umiistambay sa mga beauty spa, lalo na’t nakatulog ka, tiyak ikaw ang pag-uusapan ng mga makakakita sa iyo.