Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
JC Santos Rhea Tan Beautederm

JC Santos nag-e-enjoy sa Beautederm mall shows

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PUNO ng kasiyahan ang Beautederm ambassador at Face of BeauteHaus na si JC Santos sa tuwing napapasama siya sa celebrity ambassadors ng beauty brand na nagpe-perform sa muling pag-arangkada ng Beautederm store openings at mall shows.

Ang sarap kasi sa pakiramdam ‘yung nakapagpapasaya ka ulit ng mga tao nang face to face kahit na may pandemya pa rin. ‘Yung makita mo ang masasayang mukha ng mga tao, ‘yung marinig mo ang mga hiyawan at mga palakpak, iba eh. Dati nararanasan ko lang ‘yung ganito kapag nagmo-mall show kami para sa promo ng movie o teleserye. Tapos nahinto nga dahil sa pandemya. And now balik mall show ulit pero level up na dahil para na sa store opening ng Beautederm,” sabi ni JC.

Ang huling nasamahang Beautederm store opening at mall show ni JC ay sa SM City Lipa, Batangas noong July 16. Nakasama niya rito ang iba pang Beautederm ambassadors na sina Sanya Lopez, Enchong Dee, Ryle Santiago, Jelai Andres, Sherilyn Reyes Tan, Alynna Velasquez, at Alma Concepcion.

Looking forward nga si JC sa susunod pang Beautederm store openings at mall shows gayundin sa pagbubukas soon ng sosyal na Beautederm building sa Angeles, Pampanga.

Thankful si JC kay Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan sa pagkuha sa kanya at sa misis niyang si Shyleena bilang brand ambassadors ng BeauteHaus at Beautederm. Bukod sa pagiging endorser ay nae-experience ulit niya ang ganitong store opening at mall show na lagi rin nilang kasama si Ms. Rhea.

I just want to say na we’re so grateful na kinuha kami ni Ms. Rei (palayaw ni Rhea) rito sa BeauteHaus at Beautederm. This is an overwhelming feeling kasi minsan lang po ako magkaroon ng ganitong endorsement and at least may nagtiwala. At saka lagi niyang ipinaparamdam sa amin ang kanyang kabaitan at generosity,” ani JC.

Bilang artista puhunan ni JC ang kanyang looks kaya malaking tulong ang BeauteHaus at Beautederm sa kanya.

Kahit kaming mga lalaki ay dapat um-effort para maging maayos ang aming itsura,” bulalas ni JC. “Bilang isang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy taking care of my little girl. I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance. Maligaya at grateful po ako dahil swak na swak ang treatments ko sa BeautéHaus sa aking workouts at healthy diet. Idagdag ang very effective na mga produkto ng Beautederm.”

Tamang-tama ang ginagawang pagpapaganda ng katawan at looks ni JC para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN na Dirty Linen kasama sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …